Monday, March 1, 2010

Eleksyon Diskusyon Debate

Pinakaaayawan kong kandidato sa pagka-presidente si Eddie Villanueva.

Isa-isahin natin ang mga kandidato sa pagkapangulo, tapos sasabihin ko kung bakit ayaw ko sa kanila:

Noynoy Aquino: Hindi ko siya talaga kilala. Ano na ba ang mga nagawa nya? Ano na ba ang mga magagawa pa nya pag naging pangulo na sya? Ipabasa mo naman ang track record mo sa amin. Kanino ka ba kakampi pag nagka-civil war sa Pilipinas? Simple lang ang huling tanong: Hindi ka ba talaga magnanakaw? Belat. Hindi mo masagot. Next!

Manny Villar: Gusto ko sana si Manny. Kapangalan pa sya ni Pacquiao. Problema lang. Kabilanin itong taong ito. Sala sa Init, Sala sa Lamig. Maligamgam. Walang apoy na sarili, Puro ambisyon (dala siguro ng paglangoy sa dagat ng basura), lahat gagawin para makamtan lang ang ninanais. Kung tutuusin, maganda sana ang tratong yan pero hindi maganda ang ganyang ugali sa magiging pangulo ng Pilipinas. Matututo magkanya-kanya ang mga tao. Dito nga sa Maynila, kanya-kanya na. Ultimo kapit-bahay mo takot ka nang bisita ng bisita sayo sa dudang mananakawan ka pa. Manny, Oo tunay ka ngang galing sa hirap, pakita mo naman sana muna na may mga pinayaman ka na. Hindi eh, marami pa rin ang lumalangoy sa dagat ng basura.Next!

Erap: Wag na pag-usapan. Next!

Jamby: Madrigal? Are you kidney? Next!

Eddie Villanueva: naku! Sabihin nang mabait ang taong iyan, paano nya papanatilihin ang paghihiwalay ng simbahan at estado samantalang sya na mismo ang sinasamba ng mga tao nya? Next!

Nicanor Perlas: Sino yun? Parang baranggay captain lang na kumandidato...

Gibo Teodoro: Galing at Talino. Ganda! Pero teka, hindi ko rin kilala to. Sumikat lang to sa Disaster. Siguro kung boboto asawa ko, si Gibo iboboto (mahilig sa disaster asawa ko eh)

Yung batang Pamangkin pala ni Gordon: Next!

Gordon: Ayos sana tong si Gordon kung hindi lang kapangalan ng Gin. Baka malasing din sa kapangyarihan to, madale tayo! Next!

Wala. Wala na yata... Hay. Saan tayo pupulutin Pilipinas? Wala kasing nagmamalasakit sayo. Kahit mga pinoy, nag-aaway-away pag may bumatikos sayo. Magaling lang tayo sa salita, pag bayaran na ng beer, nalalasing na. pwe!

Wednesday, January 14, 2009

Bakit ayaw ni bongklong maging matalino

Si bongklong, na pinanganak na tamad, eh ayaw maging matalino. Ito ang ilan sa mga dahilan nya:

1.) Ang karunungan ay kailangang pagsikapan pa. Hindi naman ito nakukuha na lang basta-basta sa tabi-tabi. Kung gusto mo talagang maging matalino, hindi pwede ang tatamad-tamad. Maraming mga bagay sa mundo ang kailangan pag-aralan. Kailangan mo din siyasatin ang mga natututunan mo kung talagang tama ang mga natututunan mo. Kasi kung hindi, hindi ka tatawaging matalino kundi matutulad ka lang sa mga ibang tao na naniniwala sa sabi-sabi.

2.) Para maging napapanahon ang iyong katalinuhan, hindi rin pwede na kuntento ka lang sa kung ano ang natutunan mo na dati. Kailangan mo pa ulit mag-aral. Ayaw din ng ganito ni bongklong. Gusto nya, kung ano yung alam nya, yun na yun.

3.) Kung matalino daw ka kasi, maraming magtatanong sayo. Eh ayaw ni bongklong sa mga tanong tanong. Obligado ka nga naman sumagot. Nakakatamad daw makinig sa mga tao na puro tanong. Nakakatamad din makinig sa taong sagot ng sagot, hindi naman tinatanong.

Si bongklong sa ganitong gawain ay maaaring ihalintulad sa nakakaraming tao. Masyado silang nagugumon sa ibang gawain na sa halip na ilaan para sa mga bagay na maaari nilang pakinabangan kagaya ng pagbabasa, pag-aaral, at pag-iisip, inuubos nila ang oras nila sa mga walang ka-kwenta-kwentang bagay kagaya ng panonood sa mga teledramang (sabihin na nating kathang-isip lang) mali mali naman ang mga istorya at kung orihinal man ang istorya, eh hindi tugma-tugma ang mga pangyayari.

Kaawa-awa naman ang kalagayan. Pero hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa. Unti-unti ko naman tinuturuan si bongklong na hindi sya mabubuhay ng walang alam. At mukhang nakikinig na sya sa akin.

Tuesday, January 13, 2009

Si bongklong at ang computer

Computer ba?


Una akong nakahawak ng computer dun sa nanay ko. Hindi ko tanda kung fourth year o third year pa lang ako nun. Pero parang fourth year lang nga ata kasi wala pa naman computer sa school nung third year pa lang ako. Nung bata pa lang ako, nakapag computer na ako sa Camp Aguinaldo kasi sundalo ang tatay ko pero hindi ko pinansin ang sakit kasi sa mata kulay green tapos wala pang mga laro, type type ka lang para kang nasa typewriter. Ayun tuloy, mas gusto ko pa mag type sa typewriter kasi ang ingay hindi katulad sa computer konting ingay lang. Ano naman ang gusto ng mga bata kundi mag-ingay di ba?


Naengganyo ako mag computer nung high school kasi nakakatuwa na kung may inutos ka, sunod agad sya. Hindi katulad sa bahay, minsan pag nag-utos ka sa katulong, malamang ikaw pa pagalitan.


Ano ba mga una kong ginawa sa computer nun? Syempre natuto muna ako ng boot sequence. Una, i-on ang monitor. Dapat nagbi-blink na ang ilaw, tapos i-lagay ang floppy disk na may DOS (oo dos pa noon!). Isara ang drive bay. Tapos i-on ang switch. ( Hindi katulad ngayon na ang switch ng computer ay button, noon talaga switch. Para kang nagsindi ng ilaw. Ang ganda nga kasi hindi ka nanghuhula kung naka-on pa ang computer o hindi na. Basta nakababa ang switch, kahit walang power, nasa "on" state yun. Ngayon, ewan. Minsan mapipindot mo ang on eh naka on na pala magha-hibernate tuloy.) Ayan hintayin mo mag-boot ang dos. Pag lumabas na ang C prompt (sabi ni mama C PRAM daw, eh sa mac yung PRAM), pwede nang alisin ang DOS na disk. (DATI, hindi ko pa alam meaning ng DOS kala ko yun yung SECOND BOOT SEQUENCE kaya DOS) Ayun, ilalagay ko na ang mga PROGRAM disk kagaya ng WordStar, Lotus 123, kung hindi naman yung BannerMania. Gustong gusto ko yung BannerMania kasi nauubos agad ang continuous paper ni mama. Puro tuloy bayad sya nun sa supply office.


Naaalala ko rin nung napuno ang diskette ni mama ng mga banner na ginagawa ko. Una ayaw nang mag save! Disk full daw. Inalis ko tuloy ang disk, inalog alog ko kala ko kasi physically full na sya. Ano ba naman alam ko nun, wala naman akong formal training no? Yun pala bibili ka na ng bagong diskette. Hindi ko nga alam kung disk ba yun o diskette ang alam ko kasi nun ang diskette eh yung maliit (3.25") tapos ang disk eh yung malaki (5.5") tapos kaya tinawag na floppy eh kasi malambot. Astig ang una kong bili ng disk (o diskette) 10 ata binili ko nun. Yung sampung diskette nasa PhP 300.00 pero may kasama naman yun na malaking casing tapos bawat disk (o diskette) naka-sleeve na pwede mong sulatan. Astig sa National Bookstore pa ako bumili nun. Meron malapit na computer shop dun sa school pero kasi hindi naman kagaya ng mga computer shop ngayon na Internet Cafe ang tawag. Ang computer shop noon parang talyer ng computer. Isipin mo na lang kotse ang computer tapos ang mga mekaniko hindi madungis, pero pareho lang nakahubad.


Ayun, tapos may nakilala akong kaibigan (actually, pinsan ko hehehe) na marunong din mag-computer tinuruan nya akong mag-red-alert. Pero may problema, sa kanila ang computer may HardDisk. Kay mama walang HardDisk. Nag-research ako nun para malaman kung paano lalagyan ng RedAlert ang computer. Grabe! Ang daming requirements. SVGA, Video Card, Memory, HardDisk nga, tapos DOS 6.22


Swerte naman, nagkaroon ng HardDisk si mama tapos meron pang Windows 3.11. Hindi pa uso ang piracy non kaya sure akong hindi pirated. Dun nagsimula ang una kong config.sys at autoexec.bat na may menu. Ayaw kasi ni mama na ita-type pa nya ang win.com sa C PRAM para lang magwindows gusto nya automatic. Eh dun sa ininstall sa kanya, kailangan mo pang i-type. So ni-research ko na naman ulit. Hanggang sa nasira nga ang computer dahil pumutok ang power supply. Problem kasi nakatapat sa araw ang CPU (cpu ang tawag kasi dun sa System Unit. ngayon alam na natin na processor ang CPU)


Hayyy grabe nun. Para magload ang favorite kong red alert, mga 10 - 15 minutes


Pirated din ang red-alert nun kasi kinopya ko lang. Wala naman nagsasabi noon na pirated yun. Nasanay talaga ako sa kopya-kopya ng software. Kaya nga ngayon, nasa linux kami dahil kopya-kopya din lang. Walang guilt, walang hassle, maganda pa!