Computer ba?
Una akong nakahawak ng computer dun sa nanay ko. Hindi ko tanda kung fourth year o third year pa lang ako nun. Pero parang fourth year lang nga ata kasi wala pa naman computer sa school nung third year pa lang ako. Nung bata pa lang ako, nakapag computer na ako sa Camp Aguinaldo kasi sundalo ang tatay ko pero hindi ko pinansin ang sakit kasi sa mata kulay green tapos wala pang mga laro, type type ka lang para kang nasa typewriter. Ayun tuloy, mas gusto ko pa mag type sa typewriter kasi ang ingay hindi katulad sa computer konting ingay lang. Ano naman ang gusto ng mga bata kundi mag-ingay di ba?
Naengganyo ako mag computer nung high school kasi nakakatuwa na kung may inutos ka, sunod agad sya. Hindi katulad sa bahay, minsan pag nag-utos ka sa katulong, malamang ikaw pa pagalitan.
Ano ba mga una kong ginawa sa computer nun? Syempre natuto muna ako ng boot sequence. Una, i-on ang monitor. Dapat nagbi-blink na ang ilaw, tapos i-lagay ang floppy disk na may DOS (oo dos pa noon!). Isara ang drive bay. Tapos i-on ang switch. ( Hindi katulad ngayon na ang switch ng computer ay button, noon talaga switch. Para kang nagsindi ng ilaw. Ang ganda nga kasi hindi ka nanghuhula kung naka-on pa ang computer o hindi na. Basta nakababa ang switch, kahit walang power, nasa "on" state yun. Ngayon, ewan. Minsan mapipindot mo ang on eh naka on na pala magha-hibernate tuloy.) Ayan hintayin mo mag-boot ang dos. Pag lumabas na ang C prompt (sabi ni mama C PRAM daw, eh sa mac yung PRAM), pwede nang alisin ang DOS na disk. (DATI, hindi ko pa alam meaning ng DOS kala ko yun yung SECOND BOOT SEQUENCE kaya DOS) Ayun, ilalagay ko na ang mga PROGRAM disk kagaya ng WordStar, Lotus 123, kung hindi naman yung BannerMania. Gustong gusto ko yung BannerMania kasi nauubos agad ang continuous paper ni mama. Puro tuloy bayad sya nun sa supply office.
Naaalala ko rin nung napuno ang diskette ni mama ng mga banner na ginagawa ko. Una ayaw nang mag save! Disk full daw. Inalis ko tuloy ang disk, inalog alog ko kala ko kasi physically full na sya. Ano ba naman alam ko nun, wala naman akong formal training no? Yun pala bibili ka na ng bagong diskette. Hindi ko nga alam kung disk ba yun o diskette ang alam ko kasi nun ang diskette eh yung maliit (3.25") tapos ang disk eh yung malaki (5.5") tapos kaya tinawag na floppy eh kasi malambot. Astig ang una kong bili ng disk (o diskette) 10 ata binili ko nun. Yung sampung diskette nasa PhP 300.00 pero may kasama naman yun na malaking casing tapos bawat disk (o diskette) naka-sleeve na pwede mong sulatan. Astig sa National Bookstore pa ako bumili nun. Meron malapit na computer shop dun sa school pero kasi hindi naman kagaya ng mga computer shop ngayon na Internet Cafe ang tawag. Ang computer shop noon parang talyer ng computer. Isipin mo na lang kotse ang computer tapos ang mga mekaniko hindi madungis, pero pareho lang nakahubad.
Ayun, tapos may nakilala akong kaibigan (actually, pinsan ko hehehe) na marunong din mag-computer tinuruan nya akong mag-red-alert. Pero may problema, sa kanila ang computer may HardDisk. Kay mama walang HardDisk. Nag-research ako nun para malaman kung paano lalagyan ng RedAlert ang computer. Grabe! Ang daming requirements. SVGA, Video Card, Memory, HardDisk nga, tapos DOS 6.22
Swerte naman, nagkaroon ng HardDisk si mama tapos meron pang Windows 3.11. Hindi pa uso ang piracy non kaya sure akong hindi pirated. Dun nagsimula ang una kong config.sys at autoexec.bat na may menu. Ayaw kasi ni mama na ita-type pa nya ang win.com sa C PRAM para lang magwindows gusto nya automatic. Eh dun sa ininstall sa kanya, kailangan mo pang i-type. So ni-research ko na naman ulit. Hanggang sa nasira nga ang computer dahil pumutok ang power supply. Problem kasi nakatapat sa araw ang CPU (cpu ang tawag kasi dun sa System Unit. ngayon alam na natin na processor ang CPU)
Hayyy grabe nun. Para magload ang favorite kong red alert, mga 10 - 15 minutes
Pirated din ang red-alert nun kasi kinopya ko lang. Wala naman nagsasabi noon na pirated yun. Nasanay talaga ako sa kopya-kopya ng software. Kaya nga ngayon, nasa linux kami dahil kopya-kopya din lang. Walang guilt, walang hassle, maganda pa!
No comments:
Post a Comment