Tuesday, January 13, 2009

Simula ng blog

Kung gusto nyong basahin tong blog na 'to, mag-aral kayo mag-tagalog.

Kung sa pormal, ako si Lawrence. Kung sa ganito lang na hindi naman pormal, ako naman si bongklong. Sino ba si bongklong. Isang araw na natutulog ako, napasarap ako ng tulog. Eh ginigising na ako ng asawa ko para pumasok. Bigla naman akong nagkasakit ng "katam." Alam nyo ba ang "katam?" Ito yung sakit na hindi ka kumakain, hindi ka tumatayo, puro ka lang tulog, puro ka pahinga, hindi ka naman gumagaling. Sa ibang salita, Katamaran! Ayun nga, nagkasakit nga ako ng katam. Dun lumabas si bongklong. Ang sabi ni bongklong sa asawa ko "Sige 5 minutes, babangon na ako." Hanggang naging 2 - 3 oras ang 5 minutes na yun.

Hindi naman talagang tamad itong si bongklong. Marami lang syang gustong gawin na karaniwan eh, sablay 'ika nga. Halimbawa, pag si bongklong nagluto, kung hindi hilaw, sunog. Impossibleng walang tapon-tapon na mga mumo ng kung anuman ang niluluto. At kung hindi makakabasag, asahan mo na basa ang sahig pagtapos nyang kumilos. Kaya minsan, hindi na sya pinakikilos dahil ganun lang nga ang nangyayari.

Hindi rin tanga si bongklong. Ang tanga, hindi natututo. Si bongklong, natututo naman sya sa mga mali nya ang problema nga lang, minsan nati-thrill sya sa paggawa ng mga sablay na bagay kung hindi naman hindi nya talaga sinasadya. Clumsy ba ang tawag dun?

O sya, pababayaan ko na si bongklong magsalita dito. Kung umayon kayo sa mga sinasabi nya, eh malamang nasa parehong pag-iisip kayo. Kung sakali naman na hindi, nasa 98% kayo ng mga taong hindi sumasang-ayon. Go figure! Pagpasensyahan nyo na lang ang mga nilalaman, pag-isipan ng konti, at tabi-tabi po kung may masabing hindi maganda.

Lawrence Salmingo

No comments:

Post a Comment